Ctrl+f, type ""Edit this on the html page!" and replace this with your own music. Use this music player! :) Have questions? Ask me!

'Yung gusto mong makipagkaibigan kaso natatakot kang mareject. 'Yung gusto mo ng umamin kaso natatakot ka na baka may magbago pagkatapos nun. 'Yung gusto mong ipaglaban 'yung karapatan at nararamdaman mo kaso baka walang makinig. 'Yung gusto mong ipagsigawan sa buong mundo na nasasaktan ka na kaso baka wala namang may pakielam. 'Yung gusto mong magmahal kaso alam mong masasaktan ka lang ulit. Na pinapangunahan mo na lahat ng mangyayari kasi alam mo na ang magaganap. GANYAN TAYO EH. Puro “kaso”. Puro “paano kung”. Puro 'yung “pwedeng” mangyari ang pinaiiral. Hindi ba pwedeng isantabi na lang 'yung takot, gawin ang dapat, ang tama, ang makapagpapasaya sayo, at masatisfied dahil nagawa mo nga? Kasi sa buhay, mas masarap sabihin na “WOW, nagawa ko 'yun?” kesa naman sa “Sayang, bakit hindi ko pa ginawa nung may pagkakataon.”
  1. alysadejesus posted this
ABOUT ME.

UPDATES.